Ipinagdiwang kamakailan ng 100% Katolikong Pinoy, isang grupo sa Friendster.com, ang kanyang unang anibersaryo mula nang itatag ito ni Francis Gonzales noong Pebrero 26, 2007.
Sa ika-isang taon ng 100% Katolikong Pinoy mayroon nang higit sa tatlong libong miyembro at patuloy pa rin ang pagdami nito.
Sa opisyal na pahayag ni Gonzales na siya ring Moderator ng grupo, naalala niyang naitatag ang grupong ito nang makita niyang walang samahang pangkatoliko sa Friendster. Ayon sa kanya “mas pangangailangan ng mga Katoliko ang malaman at mapag-aralan ang kanilang pananampalataya” sa pamamagitan ng ganitong uri ng grupo sa nasabing popular na website.
Mula sa simulaing ito naisilang ang dalawang grupong itinatag niya: ang Catholic Faith Defenders (CFD) at ang 100% KP. Pumangalawa lamang sa mga prioridad ni Francis ang 100% KP at mas natutukan ang CFD. Ngunit sa hindi inaasahan, lumago ang 100% KP.
Noong 2007 naimbitahan na rin si Francis Gonzales sa Eyeball section ng anluwage.com kung saan siya ay nakapanayam tungkol sa 100% KP.
(Rodney P Vertido)
Tuesday, March 04, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment