Vatican City - Opisyal na inilabas ng Vatican ang taunang Pontifical Yearbook o Annuario Pontificio sa pamamagitan ni Tarciso Cardinal Bertone, ang Secretary of State, Pebrero 29.
Iniharap ni Cardinal Bertone sa Santo Papa Benedict XVI ang Annuario at malugod naman itong tinanggap ng Santo Papa. Kasama ni Cardinal Bertone ang dating Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Fernando Filoni na kasalukuyang “Sustitou” ng General Affairs ng Vatican at iba pang opisyal na may kinalaman sa Annuario.
Sa bagong Annuario, ipinakita na mas tumaas ang bilang ng mga pari sa buong mundo mula 2000 hanggang 2006. Noong 2006 tumaas ang bilang ng mga pari mula sa 406,411 noong 2005 papuntang 407,262 (pagtaas ng 0.21%). Ngunit hindi balanse ang ditribusyon nila sa buong mundo kung saan kumaunti sa Amerika at Europa at dumami naman sa Africa at Asya.
Hatid rin nito ang isa pang magandang balita dahil sa pagtaas ng bilang ng mga Katoliko sa buong mundo mula 2005 hanggang 2006. Mula sa 1,115 million bilang ng populasyong Katoliko tumalon ito sa 1,131 million, pagtaas ng 1.4 percent. Sa pareho ring taon tumaas ang bilang ng mga Obispo mula sa 4,841 hanggang 4,898, pagtaas ng 1.2 percent.
Naiulat din sa naturang Annuario na mas tumaas pa noong 2006 ang bilang ng mga estudyante ng Philosophy at Theology sa mga diocesan at religious seminaries na umabot ng 115,480, pagtaas ng 0.9 percent kung ikukumpara sa nakaraang taon. Ang distribusyon ay 24,034 sa Africa; 37,150 sa Amerika; 30,702 sa Asya; 22,618 sa Europa; at 976 sa Oceania.
Isa rin sa mga naipakita na noong 2007, walong diyosesis ang naitayo kasama ang isang Apostolic Prefecture, dalawang Metropolitan See, at isang Apostolic Vicariate. Naitalaga rin sa nakalipas na taon ang 169 na mga obispo.
(Rodney P Vertido)
Thursday, March 06, 2008
Annuario Pontificio '08: Magandang Balita sa mga Katoliko
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment