Inaasahan ang pagdagsa ng mahigit kumulang 6,500 kabataang Pilipino para sa pinakamalaking pagdiriwang ng mga kabataan sa buong mundo ang 10th International World Youth Day (WYD) na gaganapin sa Sydney, Australia, Hulyo 15-20, 2008.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, sinabi ng mga WYD organizers na mayroong mahigit 6,560 kabataang Pilipino ang nagparehistro para sa nasabing pagdiriwang at sa bilang na ito 900 katao na ang kumumpirma na sila ay dadalo.
Ayon pa rin sa mga WYD organizers sa buong mundo, inaasahan ang 187 grupo na mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa.
Bilang paghahanda ng Konsulado ng Pilipinas sa Australia, nakipag-ugnayan na si Consulate General Maria Theresa Lazaro kay Fr. Menardo Mercene, ang Pilipinong Chaplain ng Archdiocese of Sydney at pati na rin sa Episcopal Commission on the Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na siya namang pangunahing nakikipag-ugnayan sa mga WYD organizers para sa mga Pilipinong delegado.
Pinayuhan naman ng Konsulado ang mga Pilipinong dadalo na bisitahin ang opisyal na website ng WYD 2008 para sa mga karagdagang balita. Pinapayuhan rin silang ang Hulyo ay kabilang sa mga buwan ng taglamig sa Australia. Bagama’t walang snow pinapayuhan pa rin na sila ay maging handa para sa temperaturang maaaring bumaba hanggang 18 degree Celsius.
Inaasahan na ng mga organizers na mayroong higit 500,000 katao ang dadalo sa anumang event na magaganap sa WYD 2008 gayon rin ang pagdagsa ng 3,000-5,000 miyembro ng media.
Ang tema ng WYD 2008 ay mula sa Acts 1:8, “You will receive power when the Holy Spirit has come upon you; and you will be my witnesses.”
(Rodney P Vertido)
Tuesday, March 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment