Powered by Blogger.

Wednesday, April 02, 2008

JP2: Malapit nang maging santo?

Ayon kay Msgr. Stanislaw Oder, Postulator ng Cause for Beatification and Canonization ni John Paul II, na malapit nang matapos ang mga dokumento ng heroic virtues ni John Paul II. Ipinahayag niya ito, noong Marso 31, dalawang araw bago ang ikatlong anibersaryo ng kamatayan ng butihing Papa.

Sa isang pahayag naman ng Prefect ng Congragation for the Causes of Saints, Jose Cardinal Saraiva Martins sa Vatican Radio noong Marso 25, “kagaya ng lahat ng mga tao sa mundo, ang Vatican rin ay umaasa na sa pinakmabilis na panahon maisasakatuparan ang Beatification ni John Paul II na sinusunod pa rin ang normal na proseso.”

Courtesy:MEDALOFFREEDOM.COMMatatandaan na ang Cause ni John Paul II ay pinasinayaan ni Pope Benedict XVI noong Mayo 9, 2005. Karaniwang mauumpisahan lamang ang isang Cause ng isang tao pagkatapos ng limang taon ngunit sa kaso ni John Paul II pinasinayaan ito isang buwan pa lamang ang nakakalipas pagkatapos ng kanyang kamatayan. Pinasinayaan ito agad ni Benedict XVI bilang tugon sa panawagan ng mga tao sa libing ni John Paul II na “Santo Subito” nangangahulugang “Sainthood now.”

Inihayag ang desisyon ni Benedict XVI noong Mayo 13, 2005 kapistahan ng Our Lady of Fatima at ika-24 na anibersaryo ng assassination ni John Paul II. Sa pamamagitan naman ni Camilo Cardinal Ruini, ang Vicar General ng Diocese of Rome, pormal na pinasinayaan ang Cause noong Hunyo 25, 2005 sa Lateran Basilica sa Roma.

Ayon pa rin kay Saraiva, “Ginagarantiya ko na kapag nakuha na namin ang positio (isang collection ng mga dokumento mula sa buhay ng isang kandidato sa pagiging Santo na inaayos), hindi kami magsasayang ng oras para pag-aralan ito para maihayag na isang Beato si John Paul II…”

Ayon naman kay Oder, “Wala pa sa panahon upang ihayag ang tiyak na araw ng Beatification ni John Paul II.”

(Rodney P. Vertido)

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP