Powered by Blogger.

Wednesday, December 10, 2008

Enough! Stop Gloria's Chacha now!

By Anluwage Staff

Isang malaking interfaith rally sa Ayala Avenue sa Makati sa Biyernes, Disyembre 12, 2008, ang inaasahang dadagsain ng libu-libong tao upang banggain ang panibagong pagtatangka ng gobyernong Arroyo na bastusin ang ating Konstitusyon sa isinusulong nitong Charter Change.

Ang pagtitipon, na may pamagat na Enough! Stop Gloria's Chacha now!, ay bunsod na rin ng nagliliyab na galit ng sambayanan sa natuklasang pagkilos ng mga kaalyado ni Ginang Arroyo sa House of Represetatives, sa pangunguna ni Speaker Prospero Nograles, na baguhin ang ilang mahahalagang bahagi ng ating Saligang Batas, kabilang na ang pagpapalawig ng termino sa kapangyarihan ng mga kasalukuyang nanunungkulan sa gobyerno.

Bagama't ipinagmamayabang ng mga pro-Chacha na pawang mga economic reforms lamang ang pakay ng Chacha, wala namang gustong maniwala rito lalo pa't may mga House Resolutions ang nabuking na nakakasa na umano tungkol sa term extensions ng mga nakaupong elected officials.

Ang Makati Rally, na isasagawa sa harapan ng Ninoy Aquino Monument sa ganap na Ika-4 ng hapon , ay dadaluhan ng mga mga miyembro ng religious groups at civil society sa pangunguna ng United Churches of Christ in the Philippines, FSC of the La Sallian Justice and Peace Commision, Association of Major Women Religious Superiors of the Philippines, Solidarity Philippines at Jesus Is Lord Movement ni Bro. Eddie Villanueva.

Sa panig naman ng pulitika, nangako rin makikimartsa sina Senador Manuel Roxas II, Francis ‘Chiz’ Escudero III, Loren Legarda-Leviste, Jamby Madrigal at Benigno "Noynoy" Aquino III.

Samantala, handang-handa na ang Lungsod ng Makati sa higanteng pagtitipon na ito. Detalyado umano ang preparasyong isinagawa upang masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo at ang kaayusan ng lugar. Ayon sa Makati Department of Public Safety ang Ayala Avenue ay isasara sa anumang uri ng sasakyan mula ika-12 ng tanghali

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP