Powered by Blogger.

Thursday, May 28, 2009

GAH Ng USTe

Courtesy: nickledimepenny.blogspot.com

Photo courtesy: Nickledimepenny.blogspot.com

Anluwage News - Sari-sari at bonggang mga pagdiriwang ang ikinakasa kaugnay ng pagdiriwang ng Ika-400 Taon ng Unibersidad ng Santo Tomas. Tampok sa mga ito ang General Alumni Homecoming na gaganapin sa ika-19 ng Disyembre 2009, alas-6 ng gabi, sa Plaza Mayor, sa mismong harapan ng Main Building ng Pamantasan.

Inaasahang dadagsa ang mga nagsipagtapos mula Dekada 50 hanggang sa kasalukuyan sa pagtatagpo-tagpong ito na kapapalooban ng iba't ibang mga programa, booths, pamamasyal sa buong kampus at higit sa lahat ay ang pagsasariwa sa mga masasayang sandali ng mga magkakaibigan, magkakaklase at maging ng mga magkakakilala lamang.

Bibigyang-pagkilala rin ang mga matatagumpay na Tomasino na namamayagpag ngayon sa larangan ng negosyo sa pamamagitan ng Thomasian Global Trade Expo kung saan ibubunyag ang kanilang matatagumpay na produkto at serbisyo sa World Trade Center, Enero 20 - 31, 2010.

Para sa karagdagang detalye, mag-email kay Dr. Teresita Meer, kalihim ng UST Graduate School Alumni Association, Inc. drmeer@ust.edu.ph o tumawag sa kanya-kanyang College Alumni Office.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP