Powered by Blogger.

Sunday, April 03, 2011

May Bagong Pastol Ang Gagalangin!

Posted April 4, 2011, 11:00AM, Manila

ANLUWAGE.COM
May bagong katuwang na pastol na itinalaga ang Mabunying Kardinal Gaudencio Rosales upang tumulong alagaan ang lumalagong kawan sa St. Joseph de Gagalangin Parish sa Tundo, Maynila.

Siya ay si Rev. Fr. Carlo P. Del Rosario, tubong Santa Maria, Bulacan, at naordinahan bilang pari noong Setyembre 25, 2010.

Si Fr. Caloy ay hinubog sa pagkapari sa University of Santo Tomas Central Seminary, nagtapos ng Philosophy noong 2004 at Sacred Theology noong 2007. Nakamit niya ang kaniyang Licentiate Degree in Canon Law noong Marso 20, 2010.

Nanawagan si Rev. Fr. Nestor Gungon, Kura-Paroko, na suportahan, ipanalangin at alagaan ng buong parokya ang paparating na kawaksing pari.

Isang maringal na "bienvenida" ang inihahanda ng Pastoral Council na nakatakdang isagawa sa Abril 6.

( Photos courtesy of Kath Mandula )

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP