Powered by Blogger.

Saturday, October 22, 2011

Kanonisasyon Ni Bl. Pedro Calungsod Nasa Kamay Na Ni Benedict XVI!

ANLUWAGE.COMInendorso na sa Santo Papa Benedict XVI ang kanonisasyon ng Pinoy martir na si Beato Pedro Calungsod, ito ay makaraang buong-buong pagtibayin ng Congregation for the Causes of Saints, isang lupon na binubuo ng mga kardinal na siyang nangangasiwa sa pag-aaral at pagsusuri sa mga inihahalal na santo.

Tanging ang pag-aproba na lamang ng Santo Papa ang hinihintay at magkakaroon na ng ikalawang santo ang Pilpinas, kasunod ni San Lorenzo Ruiz. Ang desisyon ni Benedict ay ibabatay kung may naganap na himala sa pamamagitan ni Calungsod. Ito ay inaasahang ihahayag sa isang Misa sa St. Peter Square sa Vatican, kung saan ilalabas ang Bull Of Canonization, ang dokumentong nagpapatibay na siya ay karapatdapat sa pagkilala.

Maliit lamang ang kaalaman tungkol sa buhay ni Pedro at sa katunayan hindi pa rin matukoy ang tunay na pinagmulan niya - maaaring Cebu, Bohol, o Iloilo. Ngunit, batay sa mga kasulatan, si Pedro ay nag-aral sa Loboc, Bohol kasama ang iba pang kabataan ng Katekismo, Espanyol, at Latin sa pamamahala ng mga Heswita. noong Abril 2, 1672, isinama ni Padre Diego si Pedro, bilang pinagkakatiwalaan niya at pinakamagaling na sakristan, upang binyagan ang mga bagong silang na sanggol sa Agadna. Ngunit sa daan nakaalitan nila si Matapang, isang katutubong naimpluwensiyahan ng mga Macanjas (mga mangkukulam) na kumokontra sa mga Kristiyano. Kapapanganak lamang ng asawa niya at inalok siyang binyagan ang anak nila ngunit tumanggi ito at itinaboy ang pari’t sakristan. Pinalipas na lang muna nina Padre Diego ang galit niya.

Subalit hindi si Matapang. Gumawa siya ng plano upang mapatay ang dalawa. Hinikayat niya si Hirao, na noong una ay tumanggi dahil sa kabaitang ipinakita ng pari sa kanya, ngunit sa huli ay umayon din kay Matapang.

Dumating sina Matapang sa lugar nina Pedro at bigla silang inatake. Umilag si Pedro sa mga panang papalapit sa kanya. Sinubukan ni Pedro na lumapit sa pari upang maprotektahan ngunit isang pana ang tumusok sa dibdib niya. Hindi na nagawang protektahan ng pari si Pedro. Biniyak ng dalawang katutubo ang mga bungo ng dalawa at itinapon lamang sila sa dagat. ( Mike Alcantara with Mark Rodney Vertido )  


 Related story, click here

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP