Powered by Blogger.

Thursday, June 28, 2007

Sumbrero Bawal Sa Loob Ng Simbahan

Matapos ulanin ng kaliwa't kanang reklamo ng ilang mananampalataya, pormal nang nagpalabas ng guidelines ang Ministry of Litrugical Affairs ng Archdiocese of Manila hinggil sa tamang pananamit sa loob ng simbahan, lalo na sa pagdalo sa Misa.

Isang poster ang inisyu ng Ministry na naglalarawan sa mga puwede at hindi puwedeng isuot sa loob ng simbahan. Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang pagsusuot ng sumbrero, shorts, sleeveless, spaghetti straps, at plunging necklines.

Hinihikayat na magsuot ng shirt na may kuwelyo o t-shirt, polo shirt o long sleeves, pantalon o slacks ang mga magsisimbang kalalakihan. Samantalang ang mga kababaihan naman ay pinapayuhang magsuot ng collared blouses o long sleeves o corporate attire o kaya naman ay office o school uniforms.

Sinabi ni Assistant Minister Rev. Fr. Godwin Tatlonghari na hindi naman umano palalabasin ng simbahan ang sinumang lalabag sa mga tagubilin na ito kundi pagsasabihan lamang.

Sa isang circular, inatasan ni Fr. Tatlonghari ang lahat ng parish priests, rectors ng mga shrines at mga chaplains na ipaskil sa mga prominenteng lugar ang nasabing poster upang makita ng publiko.
(Mk Flores)

4 comments:

Anonymous said...

lalo nyo lng d pinagcmba mga mahihirap nyan eh cno b nakaicp n2

-dfdrefgr

Anonymous said...

paano yung mga may alopecia na nahihiya magalis ng sumbrero,di sila pwede magsimba?

Anonymous said...

Oo nga

Anonymous said...

Uu nga marami kcng tao nag sosombrero kc nahihiya kc kalbo buhok nila...tapos bawalan magsombrero eh bat mga obispo mga pari nagsosombrero sa loob ng sumbahan

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP