
Ang Tridentine Mass ay ang paraan ng pagmimisa na pinatupad ni Pope John XXIII noong 1962, kung saan ang paring nangunguna sa Misa ay nakaharap sa altar at nakatalikod sa mga nagsisimba sa malaking bahagi ng pagdiriwang at ginagamitan ng Wikang Latin.
Sinabi ni Benedict na hindi kailanman pinawalang bisa ang pamamaraang ito kaya't maaaring gamitin ng sinumang magnanais nito at hindi na kinakailangan pa ang anumang pahintulot mula sa kinauukulan maliban sa Huwebes Santos, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria. Ayon sa dokumento, binibigyang pagpapahalaga ang kagustuhan ng ilang mananampalataya na gamitin ang tinatawag ng ilang Catholic traditionalists na "Classical Mass" o "Traditional Mass."
Ito ay bilang karagdagan sa kasalukuyang umiiral na paraan ng pagmimisa.
Ang implementasyon nito ay itinakda sa September 14, sa Feast of the Exaltation of the Cross.
(Mk Flores)
No comments:
Post a Comment