Powered by Blogger.

Wednesday, July 25, 2007

Extraordinary Mass

"Extraordinary form of the Mass" ang eksaktong salita na ginamit ni Catholic Bishops Conference of the Philippines President Most Rev. Angel Lagdameo upang ilarawan ang Tridentine Mass o Misang Latin.

Sa kanyang pahayag sa CBCP web site, ipinaliwanag ng Arsobispo na malinaw sa sulat ni Pope Benedict XVI na ang Latin Mass ay maaaring isagawa sa mga pribadong Misa, sa mga komunidad at sa mga parokya, kung ito ay hihilingin ng mga parishioners ayon na rin sa pamamatnubay ng mga obispo. Ngunit ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos ay maari pa ring gamitin ang mga lokal na wika o diyalekto.

Binigyang diin ni Lagdameo na mayroon tayong 2 uri ng Misa na umiiral sa ngayon: ang kasalukuyang ginagamit natin at ang Misang Latin. Ang 2 uring ito ay higit pa umanong gagabay sa atin sa tunay na pagsamba sa Panginoon at tungo sa tunay na pagkakaisa ng Simbahan. (Mk Flores)

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP