Powered by Blogger.

Monday, February 25, 2008

Bagong Dogma Isusulong ni Vidal et al

"The Spiritual Mother of All Humanity, the Co-redemptrix with Jesus the Redeemer, Mediatrix of All Graces with Jesus the One Mediator, and Advocate with Jesus Christ on Behalf of the Human Race."

Ito ang bagong Marian Dogma na isinusulong ni Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal, kasama ang apat pang cardinal upang maipahayag ito ng Santo Papa Benedict XVI bilang ikalimang Marian Dogma.

Sina Telesphore Cardinal Toppo ng Ranchi, India; Luis Aponte Cardinal Martinex, emeritus ng San Juan, Puerto Rico; Varkey Cardinal Vithayathil ng Ernakulam-Angamaly, India; at Ernesto Cardinal Corripio y Ahumada, emeritus ng Mexico City ang mga kasama ni Vidal sa pagsusulong sa Dogmang ito.

Inihanda ng secretariat ng limang cardinal ang petisyon sa Ingles kasama ang liham at orihinal na petition sa Latin na binuo noong 2005 at iniharap sa Santo Papa ni Cardinal Toppo ng India noong 2006.

Sa petisyon isinaad ng lima ang kanilang paniniwala na ito na ang tamang panahon upang maipaunawa at linawin sa lahat ng tao ang turo ng Simbahan ukol kay Maria ang Ina ng Manliligtas at ang kanyang papel sa pagtubos ng Diyos sa sangkatauhan at ang bilang tagapamagitan para sa mga pamilya.

Naniniwala ang lima na kinakailangan ng isang pandaigdigan at malalim na pag-unawa sa papel ni Maria sa Kaligtasan sa ating panahon. Bagama’t may malaking agam-agam patungkol sa kung ano ang magiging epekto nito sa relasyon ng Simbahan at mga Protestante naniniwala naman ang lima na ang Marian Dogma na ito ay makatutulong upang linawin ang doktrina ng Simbahan ukol kay Maria para sa mga iba ang paniniwala.

(Rodney Vertido)

1 comment:

Anonymous said...

I have reservations on this dogma as the word 'co-redemptrix' would mean that the Blessed Mother is also a redeemer of mankind; the way we understand what co-founder, co-chair, and co-star would all mean. If this becomes dogma I'm afraid we are saying to the world that Mary is at par with Jesus which shouldn't be the case. Some have suggested the word 'con-redemptrix' which would suggest that Mary 'worked with' Jesus for our redemption. How she did this is supported by the accounts in the Bible. This proposal is much better and more acceptable for me.

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP