Powered by Blogger.

Friday, April 18, 2008

Mga Pinoy Mas Lumobo

Ito ang sinasabi ng pinakabagong Census on Population noong 2007 (POPCEN 2007) na inilabas kamakailan ng National Statistics Office (NSO), Abril 16.

Sa naturang POPCEN 2007, sinasabing ang kabuuang bilang ng mga Pilipino simula noong Agosto 1, 2007 ay umaabot na sa 88,574,614 katao. Kung ikukumpara ito sa POPCEN 2000 na mayroon lamang 76.50 milyon katao, makikita na lumago ng higit sa 12 milyong katao ang Pilipinas sa pitong taon lamang.

Kung ikukumpara naman ang Annual Population Growth Rate ng bansa ngayon, mas bumaba ito mula sa 3.01 noong 1960-1970 hanggang sa 2.34 noong 1990-2000 at ngayon mula 2000-2007 ay 2.04 lamang. Ngunit nananatiling isa ito sa pinakamataas sa buong Asya.

Sa National Capital Region (NCR) nagsisiksikan na ngayon ang higit sa 11 milyong katao.

Ayon naman sa ilang eksperto, kung hindi mapipigilan ng pamahalaan ang paglobo ng populasyon baka mas tumindi pa ang kinakaharap na krisis sa pagkain lalo na sa bigas.

Ayon naman sa Malacanan walang dapat ikabahala sapagkat ang kabuoang bilang ng populasyon ngayon ay ang inaasahang dami ng populasyon ng Pilipinas.

Ang census ay ginawa sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 72 at Commonwealth Act 591. Inaprubahan ni Pangulong Arroyo ang pagpapalabas nito noong Abril 16 sa pamamagitan ng Proclamation No. 1489.

(Mark Rodney P. Vertido)

2 comments:

chiesa said...

pedi po bng malaman kung ilan po tlaga ang kabuoang bilang ng tao????

chiesa said...

kung sasagot po kayo mag message po kayo saakin eto po friendster email koh...:chiesa10_cute@yahoo.com thank you poh!!!!!!!

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP