Powered by Blogger.

Friday, April 18, 2008

Online Course Ngayong Summer

Wala ka bang magawa sa bahay? Mahilig ka bang mag-internet? Gusto mo bang mas lalo pang maintindihan ang pananampalatayang Katoliko? Ang sagot diyan ay isang online course sa Katekismo.

Dalawang libreng online course ang inihahandog ng Catholic Information Serice (CIS) sa kanilang website. Ang mga kursong ito ay nagmula sa mga booklets na Hart at Veritas series.

Ang unang course ay ang Luke E. Hart series course na may 30 aralin (lessons) na ibinatay mula sa Catechism of the Catholic Church at sumasagot sa mga tanong na: What does a Catholic believe?, How does a Catholic worship?, at How does a Catholic live?

Ang pangalawang course naman ay ang CIS Faith Formation course na batay naman sa Veritas series na tumatalakay sa mga paniniwala ng Simbahan at mga practices at devotions. Ito ay may 10 aralin.

Sa bawat aralin ay may pagsusulit na nagaganap upang masiguro na pumasok sa isipan ng isang estudyante ang mga pinag-aralan niya. Pagkatapos gawin ang test malalaman kaagad-agad ang resulta nito.

Sa mga gustong kumuha ng alinman sa dalawang online courses maaari kayong pumunta sa website na ito: http://www.kofc.org/un/eb/en/publications/cis/courses/index.html.

Ang CIS ay itinatag ng Knights of Columbus noong 1948 na naglalayong magbigay ng libreng mga publications para sa mga Catholic parishes at mga eskwelahan.

(Mark Rodney P. Vertido)

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP