Maaari na kayong magkaroon ng inyong sariling Bibliya buhat sa inyong mga computer. Isang computer Bible software ang VulSearch na maaaring i-download mula sa internet.
Ang VulSearch ay may Douay-Rheims Catholic Bible (ang siyang pinakaginagamit na Bible English translation ng Simbahang Katolika). Sa tabi naman nito ay ang Bibliya sa wikang Latin. Ginagamit nito ang Clementine Vulgate Bible (isa sa pinagkakatiwalaang translation ng Bibliya sa Latin) na ginagamit ng Simbahan mula pa noong ika-16 siglo.
Samantala, maaari ring i-download ang ilan pang salin ng Bibliya sa ibang wika. Isa na rito ang Nova Vulgata o ang New Vulgate (ang opisyal na salin ng Bibliya sa Latin na ipinalabas ng Vatican noong 1979 sa pamamgitan ni John Paul II).
Ang nasabing software ay nasa ilalim ng General Public License o GPL na nangangahulugang maaari itong kopyahin o ipamahagi ngunit hindi maaaring baguhin. Makukuha o mai-dodownload ang Bibliyang ito mula sa http://vulsearch.sourceforge.net/ pindutin lamang ang link sa website nila na "Download VulSearch 4.1.6" ang pinakabagong update ng software na ito.
(Mark Rodney P. Vertido)
Friday, April 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment