Powered by Blogger.

Thursday, May 22, 2008

TA at CCS Bagong Partner

ANLUWAGE.COMSa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Tanghalang Anluwage, Inc. (TA) ay nakipag-partner sa Confraternity of Catholic Saints (CCS) para sa isang natatanging proyekto sa Anluwage.com.

Ang proyekto na pinamagatang “PARTNERSHIP PROJECT FOR THE ‘i.e. SUB-SECTION’ OF ANLUWAGE.COM,” ay naglalayung paigtingin ang kampanya para sa kabanalan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng dalawang grupo.

Ayon sa MOA, ang pangkalahatang misyon ng ‘i.e. (as in mga Example natin)’ ay ang paghahayag ng Mabuting Balita at ang ang pagpu-promote ng kabanalan sa mga Katoliko lalung-lalo na sa mga kabataan sa pamamagitan ng buhay at mga gawain ng mga Santo.
Ang nasabing MOA ay naging epektibo noong May 1, 2008 ngunit opisyal na tinanggap ng CCS ang mga kondisyon ng MOA noong May 8, 2008. Sa nakaraang isyu ng ‘i.e. naitampok si Santa Rita ng Cascia, ito ang naging umpisa ng kolaborasyon.

Matatandaang ang ‘i.e.’ ay inumpisahan noong Abril sa pinakauna nitong tampok na si Beato Pedro Calungsod. Ang ‘i.e.’ ay nagsimula sa pamamagitan ng promoter nito na si Mark Rodney Vertido. Siya ngayon ang nagsisilbing tulay sa dalawang organisasyon sa kadahilanang siya ay miyembro ng parehong organisasyon.

Ang TA ay pinangunahan ng Editor-in-Chief ng Anluwage.com na si Pietro Albano, samantalang ang CCS naman ay pinamunuan ng kasalukuyang Director nito na si Dave Ceasar Dela Cruz, ang co-founder ng CCS.

Inihahanda na ngayon ang mga magiging susunod na isyu ng ‘i.e.’ lalung-lalo na para sa buwan ng Hunyo. ( Mark Rodney Vertido )

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP