Sa nakaraang Semana Santa, isa sa pinakakontrobersyal na conversion ang naganap nang binyagan ni Pope Benedict XVI si Magdi Allam noong Marso 23 sa Easter Vigil sa St. Peter’s Basilica, Vatican City.
Si Allam ay ang deputy director ng Corriere della Sera at naninirahan na sa Italya ng mahigit 35 years. Pinili ni Magdi Allam ang Kristiyanong pagalan na “Christian.” Siya kasama pa ang pitong iba pa ay bininyagan ni Benedict sa St. Peter’s Basilica.
Kontrobersyal ang pagbibinyag ni Benedict na ito sapagkat mainit pa rin ang dialogue sa pagitan ng Simbahang Katoliko at mga Muslim.
Bukod kay Magdi pinangasiwaan din ni Benedict XVI ang sakramento ng Eukaristiya at confirmation sa pitong catechumens (isang convert sa Kristiyanismo) mula sa pitong bansa: Italy, Cameroon, China, Estados Unidos, at Peru.
“Sapagkat sa Simbahang Katolika, ang bawat taong humihingi ng binyag pagkatapos ng malalimang pagsusuri sa sarili, malayang pagpili at sapat na paghahanda, ay may karapatang tanggapin ang binyag.” , paliwanag ni Vatican Spokesman Fr. Federico Lombardi sa ginanap na binyagan noong Sabado de Gloria.
(Rodney P. Vertido)
1 comment:
I say the f*ck with that!! How LUDICROUS!! CRISP TO HELL, "CHRISTIAN" !!!
Post a Comment