Powered by Blogger.

Thursday, August 14, 2008

Pinakaunang Holiness Conference sa Nobyembre

Isang Holiness Conference ang kasalukuyang ininhahanda ng Confraternity of Catholic Saints (CCS) na gaganapin sa Quezon City, Nobyembre 8.

Ang naturang pagtitipon ay isang bahagi ng pagdiriwang ng ika-limang anibersaryo ng CCS na gaganapin sa Oktubre 1, ang kapistahan ni St. Therese of Child Jesus na siyang pangalawang patron ng CCS.

Sa Conference magiging paksa ang kabanalan sa paaralan, kung papaano maging banal ang isang mag-aaral, kung ano ang koneksyon ng paaralan sa simbahan at higit sa lahat pagpapaliwanag sa Universal Call to Holiness. Ilan sa mga magiging tagapagsalita ay mga pari, relihiyoso, at mga layko.

Ang Conference ay libre para sa lahat. Para sa mga interesadong sumali mangyaring makipag-ugnayan sila sa CCS upang mairehistro ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulatin sa e-mail na ito: ccsphilippines@gmail.com. ( Mark Rodney P. Vertido )

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP