Maaari ng magdasal ng Santo Rosaryo sa wikang Filipino gamit ang inyong mga cellphones, mp3 players o iPod kahit saan, kahit kailan. Dalawang deboto ng Mahal na Birhen ang nagsikap na maisalin ito sa digital format upang mai-download sa mga makabagong gadgets.
Sina Fr. Stephen Cuyos ng Communication Foundation of Asia at Jun Asis ng mabutingbalita.net, kasama ang ilang mga guro sa Don Bosco Technical ay nagtulung-tulong upang maisakatuparan ang proyektong ito, bagama't hindi naglalayong palitan ang tradisyunal na paraan ng pagdarasal nito.
Ang Santo Rosaryo sa MP3 format ay maaaring mai-download sa http://www.archive.org/details/HolyRosaryTagalogVersion
(Ronillo Gonzales)
Thursday, October 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment