Powered by Blogger.

Tuesday, February 26, 2008

“AKO ANG PANGULO WALA NANG IBA!”

Ito ang binitiwang pahayag ni Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo sa isang Misa para sa Katotohanan, sa harap ng tumitinding pagpoprotesta ng taumbayan, na ginanap sa Malacañang Palace para sa bisperas ng EDSA I, Pebrero 24.

Binitiwan ng Pangulo ang mga salitang ito para sa mga taong hinihingi ang kanyang pagbibitiw dahil sa mga katiwalian na inilantad ng star witness ng naudlot na NBN – ZTE Broadband Deal Rodolfo “Jun” Lozada.

Sinabi ng Pangulo na hindi na matatanggap ng mundo ang isa pang EDSA people power dito sa Pilipinas.

Ayon kay Arroyo, agad niyang ipinatigil ang NBN – ZTE Deal nang malaman niyang may iregularidad ang nasabing deal. Dagdag ng Pangulo hindi nagnenegosyo ang kanyang pamilya sa pamahalaan. Sinabi rin niya na kung sino man ang mapapatunayang nagkasala ay dapat parusahan nang naaayon sa batas.

Isa ring Misa para sa Katotohanan ang ginanap naman sa St. Vincent de Paul Parish sa Maynila na pinangunahan nina dating Pangulo Cory Aquino, Jun Lozada, at iba pa bilang pagtugon ng Catholic Educators’ Association of the Philippines sa communal action na hiniling na CBCP. Pinangunahan din ni Aquino ang isang Prayer Vigil sa Baclaran Church kasama ang mga miyembro ng Black and White Movement, Pebrero 25.

(Rodney P Vertido)

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP