Pormal na inihayag ng Vatican ang pagbisita ng Santo Papa Benedict XVI sa Estados Unidos sa darating na Abril 15 hanggang 20 sa pamamagitan ng isang pahayag na inilabas noong Pebrero 8.
Una nang inihayag noong Nobyembre 12, 2007 ni Archbishop Pietro Sambi, ang Apostolic Nuncio sa Estados Unidos, ang pagbisita ng Santo Papa. Ang pahayag noong Pebrero 8 ang tanging pahayag na nailalabas pa lamang ng Vatican.
Sa nasabing pagbisita inaasahan ang isang pagpupulong sa pagitan ng Santo Papa at ni Pangulong George W. Bush sa White House, Washington D.C., Abril 16. Sa nasabing araw isang prayer service ang gaganapin kasama ang Santo Papa at mga obispo ng Estados Unidos. At isang Misa naman ang gaganapin sa Abril 17 sa Nationals’ Stadium, Washington D.C.
Sa Washington pa rin, gaganapin ang isang pagpupulong kasama ang mga tagapangulo ng iba’t ibang Katolikong unibersidad at kolehiyo sa Catholic University of America at pagkatapos ay sa mga kinatawan ng iba’t ibang relihiyon, Abril 17.
Inaasahan rin ang pagbibigay ng Santo Papa ng isang talumpati sa United Nations sa New York, Abril 18. Sa susunod na araw, Abril 19, inaasahan naman ang isang Papal Mass sa St. Patrick’s Cathedral. At sa huling araw, ang pagbisita ng Santo Papa sa ground zero at isang Papal Mass sa Yankee Staduim.
Ang pagbisita ay ang ikawalong Papal trip sa labas ng Italya ng Santo Papa at ang kauna-unahan sa Estados Unidos simula nang maging Benedict XVI si Joseph Cardinal Ratzinger.
(Rodney P Vertido)
Tuesday, February 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment