Powered by Blogger.

Friday, August 01, 2008

Pagdadala ng Relics ni Padre Pio sa Laoag

Kamakailan lamang dinala ng Philippine Center for St. Pio of Pietralcina, Inc. o kilala ring The Center ang mga relic gloves ni St. Padre Pio sa Laoag, Hulyo 30-31, 2008.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng parokya, buong pusong dinala ni G. Ramon Jose Rodriguez, Presidente ng The Center, ang naturang relic gloves sa Katedral-Parokya ng San Guillermo sa Laoag.

Sa Misang pinangunahan ni Msgr. Policarpo Albano, Vicar General ng Diocese, naging sentro ang paglalahad ng kuwento ng buhay ni Rodriguez kung saan siya mismo ay binigyan ni Padre Pio ng himala sa kanyang buhay.

Nagsimula ang kuwento niya bilang isang batang relihiyoso na nang magkatrabaho na ay naging mailap na sa Diyos. Nawala sa kanya ang pagiging palasimba at isang araw noong 1977 nabulag ang kanyang kanang mata nang biglaan dahil may pumutok na ugat sa kanyang mata. Ayon sa mga doktor halos 90 porsyentong bulag ang kanyang mata. Nag-umpisa rin ang panlalabo pa ng isa niyang mata.

Hindi nagtagal nalaman ito ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Pagkalipas ng tatlong taong pag-inom ng mga gamot, isang kaibigang pari ang nagbigay sa kanya ng Nobena kay Padre Pio. Noong gabi ring iyon sinubukan niya na basahin ang Nobena at mahimalang nababasa niya ito nang malinaw ngunit kung iba ang babasahin niya hindi niya ito maaninag. Kaya naging panata niya na sa loob ng 30 araw ay dadasalin niya ang Nobena.

Hindi luminaw ang kanyang mata hanggang sa ika-28 araw kung saan ayon sa resulta ng pag-aaral sa kanyang mga mata halos 30 porsyentong bulag na lamang ang kanang mata niya at malinaw na ang isa. Pinayuhan siya ng mga doktor na inumin ang mga gamot na ibinigay sa kanya ngunit hindi na niya ito sinunod sa dahilang naniniwala siyang iyon ay himala sa kanya.

Ipinangako niya kay Padre Pio na ipapamalita niya ang nangyari sa kanya at magiging tapat siya sa kanya. Kaya noong 1983 naitatag ang The Center. Ayon kay Rodriguez simula noong araw ng himala hindi na niya ininom ang mga gamot hanggang ngayon at hanggang ngayon rin hindi na nagbalik ang panlalabo ng kanyang mga mata.

Ang mga relic gloves ni Padre Pio ay namamalagi sa Padre Pio Chapel sa Bagumbayan, Quezon City. Ang chapel na ito ay ipinatayo mismo ni Rodriguez para kay Padre Pio.

Ang relic gloves ay palaging naglilibot sa iba’t ibang simbahan sa bansa at ilan sa narating nito ay ang Archdiocese ng Nueva Segovia, Vigan at ang St. Pio Parish sa Benguet. ( Mark Rodney P. Vertido )

5 comments:

alden said...

sana po matulngan ninyo kami nag tayo po kami ng kananahang adoration chapel ni padre pio sa Parañque ito po ay matatagpuan sa ( Maura St. Factor Compound Don Galo Parañaque City) at kami din po ang kaunaunahang organization ng padre pio sa parañaqe sana po matulungan ninyo kami at maka dalaw po kayo samin

Alden Factor
President

Aida Cabrera Vice President


Jimmy Araneta – PRO Coastal internal

Jo Jose – PRO River Side External

Verginia “ Nene “ Jimenez – Treasurer
Jan Heinrich L. Jimenez - Auditor

jess said...

sa tingin ko po matutulungan ko po kau...

meron po akong alam na organization, kung saan maari taun makahiam ng relic ni padre pio.... pero d pa xure ha..

puntahan nio po ako sa chapel ng don galo hanapin nio po c "michael" ung sakristan..
cgue po bye bye!

Anonymous said...

Pwde ba mkuha ung novena ni pdre pio tnx

Anonymous said...

Pwede po b mkuha ung novena ni padre pio? Tnx and more power...

Anonymous said...

Sana padre pio gumaling na mga sakit ko.mawala na kidney stone ko. At sana mawala na pananakit ng tyan ko at likod.mawala na dugo Sa ihi ko at mawala na Pagkahilo ko. Sana mawala na lahat ng sakit ko. At lumakas ako. Gusto ko na magtrabaho. Amen

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP